Dekada ’70 ni Lualhati Bautista
ni Lualhati Bautista
Ang Dekada ’70 ay isang nobela na nakapaloob sa isang storya kung paano ang pamumuhay noong kasaganaan ng Martial law. Ito ay isang nobela na ginawa ni Lualhati Bautista na gayundin ay Dinerekta ni Chito S. Rono. Ipinapakita sa Nobelang ito kung paano namuhay ang Pamilya Bartolome noong panahon ng 1970 sa gitna ng mga nangyayari tulad ng mga protesta laban sa gobyerno noong panahon ng Martial law.
Si Lualhati Torres Bautista ay isang kilalang writer, nobelista, liberal activist at isang political critic. Tulad ng Dekada ’70 ay sumikat rin ang kaniyang gawang nobela tulad ng Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa? At GAPO. Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila, noong disyembre 2, 1945.
Siya ay nagtapos ng elementarya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at nakatapos ng High school noong 1962. Siya rin naman ay nag-drop out sa kadahilanang gusto niya maging ganap na writer ngunit ang kaniyang mga Gawain sa iskwela ay nakakasagabal lamang sa kaniyang oras. Kahit sa kakulangan niya ng formal training, si Bautista ay naging ganap na writer dahil sa kaniyang kagalingan sa pagsulat. Isinulat niya ang Dekada ’70 upang maipalantad ang storya ng kaniyang pamilya sa kasaganaan ng panahon ni Marcos noong Martial law.
Si Julian Bartolome ay ama ng limang lalaking anak na asawa ni Amanda Bartolome. Si Julian ay isang mapagmahal na ama at asawa. Sa palabas na Dekada ’70 ay ipinakita kung paano gumalaw at mag-asikaso ng pamilya ang isang ama. Sinisimbolo niya ang mga lalake sa lipunan na dapat ay maging matatag at dapat ay mayroong pake sa kaniyang lipunang kinatitirahan.
Sa panahon ngayon ay mayroon paring katulad ni Julian Bartolome na nagsisikap at nagsisipag para sa kaniyang pamilya upang sila ay magkaroon ng magandang kinabukasan.
Si Amanda Bartolome ay ina ng limang lalaking anak na asawa ni Julian Bartolome. Si Amanda ay isang mapagmahal na ina at asawa sa kaniyang mga anak at asawa. Sa palabas na Dekada ’70 ay ipinakita kung paano ang pamumuhay ng isang babae sa panahong 1970. Kung saan inaasahang mga tagasunood lamang ng lipunan ang mga babae at hindi dapat sila nagtrtrabaho. Sinisimbolo niya ang mahigpit na pamamantayan ng feminismo sa sinaunang panahon kung saan ay hindi kaaya aya na makita ang babae na nagtrtrabaho ngunit sila ay mga ala-alagad lamang sa kanilang bahay.
Sa panahon ngayon ay iba na. May mga katulad padin ni Amanda na ginagawa lamang alipin sa bahay pero sa ngayon ay mayroon na ring mga Babaeng nag trtrabaho upang kumita ng pera at matulungan ang kaniyang mga anak.
Si Jules Bartolome ay ang panganay na anak ni Amanda Bartolome at Julian Bartolome. Si Jules ay isang mapagmahal at maintindihing kapatid sa kaniyang kapwa kapatid. Pinapahalagahan niya ang Organisasyon o kilusan na lumalaban sa gobyerno na hawak ni Marcos. Napili niyang lumaban dahil naintindihan niya kung pano mag-hihirap ang kaniyang magiging mga anak dahil kahit hindi pa sila nabubuhay ay mayroon na silang utang sa gobyerno.
Sa panahon ngayon ay mayroon paring mga katulad ni Jules na handang isakripisyo ang kaniyang sariling buhay upang makuha at nararapat para sa kaniyang magiging pamilya at sa kaniyang mga kapatid.
Siya ang pangalawang anak ni Amanda at Julian. Siya rin ang asawa Evelyn at ama ni Annabelle. Maaga siyang nakabuntis sa kadahilanang hindi niya ito pinagsasabi sa kahit sino lalo na sa kaniyang mga kapatid at mga magulang. Gayunpaman ay tinanggap parin siya ng buo ng kaniyang pamilya.
Sa panahon ngayon ay mayroon paring mga tulad ni Isagani na maagang namumulat sa realidad at nagiging magulang sa maagang panahon. Kahit na sila ay nagkakaroon ng problema ay pinipili nilang maging matatag at sumusunod na lamang sa kanilang mga sarili para sa kanilang kasiyahan.
Si Em Bartolome ay ang pangatlong kapatid ni Juls na mahilig mag-sulat ng mga balibalita sa kaniyang typewriter. Madami ang kaniyang mga nagawang sulatin. Marami din ang nasira sa mga gawa niya sa kadahilanang kailangan nila ito sunugin upang maitago ang mga delikadong papeles para sa kanilang kaligtasan.
Sa panahon ngayon. Marami parin ang katulad ni Emmanuel na nagsusulat ng mga balita para sa kaalaman ng lahat. Marami ang nagsisipag na maglakbay upang may maipakita o maipubliko ang kanilang Gawain.
Si Jason ay ang pang-apat na anak ni Amanda at Julian. Si Jason ay mapagmahal na anak sa kaniyang mga kapwa kapatid at sa Kaniyang mga magulang. Sa storyang Dekada ’70, si Jason ay masayahin at mapagmahal. Ngunit sa mga ngiti ay may nakatagong kalungkutan dahil sa kaniyang iniisip na hindi pantay ang pagmamahal ng kaniyang ina sa kaniya. Sa kasamaang palad ay gumamit siya ng pinagbabawal na gamot at dahil dun ay hinuli siya ng mga pulis at ito ay namatay nang siya’y nakalaya.
Sa panahon ngayon ay marami paring katulad ni Jason na nagaakalang hindi pantay ang binibigay na pagmamahal ng magulang nila. At dahil dito ay gumagamit rin sila ng droga. Ganunpaman ay mayroon ring mga nagpakatatag upang maging sila ay sanay sa kanilang tatahaking mundo kahit sila ay nagiisa.
Si Bingo Bartolome ay ang masayahing bunso ng pamilya Bartolome. Siya ang inosente at walang alam sa mundo. Ganunpaman ay tinutulungan niya ang kaniyang mga kapatid at mga magulang kapag sila ay malungkot. May mga oras na hindi siya sumusunod sa kaniyang kapatid na si Jason pero kahit ganon ay pinapatawad niya naman ito.
Sa panahon ngayon ay marami parin ang katulad ni Bingo na hindi sumusunod sa kaniyang mga kapatid o magulang. Ganunpaman ay mayroon ring mga masunurin na bata. Kahit si bingo ay hindi pa mulat sa realidad ay nagagawa niya paring tumulong sa kaniyang mga kapatid at mga magulang.
Ang panahon noong Martial law ay napakahirap dahil sa mga striktong patakaran sa isang bayan. Sa Dekada ’70 ang tahanan ng pamilya Bartolome ang halos ipinakita sa nobela. Dito ay maraming naganap sa loob ng kanilang tahanan. Ito ay ang pag-uwi ni Juls kasama ang kaniyang kaibigan na natamaan ng bala sa binti, Sila ay namatayan ng anak na si Jason, nagkaroon ng away at nagkawatak watak, Ni raid upang hanapin si Juls ng mga pulis militar. Ganunpaman ay isinisimbolo parin ng tahanan nila na sa kahit anong mangyari ay lalaki silang sama sama at matatag na kahit mayroong bagay sa harap nila ay sabay sabay nila itong lalagpasan.
Ang taong 1970
Nagsimula ang istorya ng Dekada ’70 sa dalawang batang nag-aaway. Isa dito si Isagani, ang pangalawang anak ni Amanda at Julian. Ang pinagmulan ng kanilang away ay kung sabay ba talaga ang paa ng tipaklong pag tumatalon. Pagkatapos ng away ay napunta naman ang storya sa isang protesta kung saan napatigil ang dyip sa gitna ng daan at may mga taong nagprprotesta na may isinisigaw na linya, “Yankees Go Home!”, na ibig sabihin ay pauwiin na ang mga amerikano na nasa kanilang bansa, ang Pilipinas.
Ang sunod na kaganapan ay ang pagsasalo-salo at kuwentuhan ng kanilang mga kaibigan. Ang paksa ng kanilang storya ay tungkol sa mga kasalukuyang Gobyerno at kung paano nila inaaayos ang mga isyu sa kasalukuyang panahon. Agad naman itong nadugtungan ng panibagong paksa na tungkol sa mga magagaling na manunulat tulad ni Amado V. at si Hernandez, napagkuwentuhan nila kung gaano kamangha-mangha ang pagsulat ni Hernandez habang siya ay naka-bilanggo sa kulungan. Sumingit naman si Amanda sa pagtatangkang sumali sa usapan. Ngunit ng siya ay nakisali at sinabi ang nobelang isinulat ni Hernandez ay hindi naman natuwa ang kanilang mga kaibigan sa sinabi ni Amanda.
Taong 1970, nanalo na si Marcos sa election at naging ganap na pangulo ng pilipinas. Ito ay pinapanood ng pamilya Bartolome sa isang kwarto na may telebisyon. Pagkatapos ng kaganapang iyon ay nagkaroon sila ng Hapunan ng sama sama. Ipinapaliwanag ni Juls kung ano ang Condition Reflexes na kung saan ay pag nilabanan mo ay makakasama sa kalusugan mo. Napagtanong naman ni Amanda kung ano ang kaugnayan ng Condition Reflexes sa pagpunta ni Mrs. Adriatico sa kanilang bahay. Ang sinabi naman ni Juls ay ang dalawang anak ni Mrs. Adriatico na si Pamela at Mary ann ay may kagustuhang maging partner si Juls at Isagani sa dadating na prom. Tumayo si Julian at sinabi namang “Ang mga babae ay parang mga dahong natutuyo sa sanga, na maghihintay lamang ng ngiti at pansin naming mga lalaki.” “It’s a man’s world.”.
Pagkatapos ng kanilang Hapunan ay nagbakasakali si Amanda na tanungin si Julian kung maaari ba siyang mag-trabaho. Noong Una ay ayos lamang kay Julian pero nang banggitin ni Amanda ang pangalan ng kaniyang utol na si Ted ay tila nagiba ang timpla ni Julian at nagalit kay Amanda. Dito ay sinabi niya na “Kulang ba ang kinikita ko, may mga gusto ka bang di ko maibigay?” “Di ka magtrtrabaho habang ako ang lalake sa ating dalawa and that is final!”. Nang matapos ang kanilang sagutan ay umalis na si Julian.
Dumating na ang araw ng prom nila Juls at Isagani. Mayroong isang babae ang malungkot na nakaupo sa upuan dahil sa walang gustong isayaw siya. Ang dalawa ay masayang isinayaw ang kanilang mga partner habang sumasabay sa mabagal na kanta. Ang isinasayaw ni Isagani ay hindi natutuwa sa kadahilanang ito ay hinihipuan ni Isagani. Pagkatapos ng prom ay umuwi na sila at sa kanilang daan pauwi ay may nadaanan silang protesta kung saan Nakita nila ang replica ng ulo ni Marcos na sinusunog. Ito ang kadahilanan kung bakit naisipan sumali ni Juls sa magiging isang miyembro ng kilusan.
Ang mga nangyari sa istorya na ito ay pwedeng ihalintulad sa teoryang Peminismo, ipinapakita dito kung paano ang pang-mamaliit sa kababaihan. Pinakita dito na sa mga panahon noong 1970 ay ipinaparamdam na ang pang-mamaliit sa kanila, di lamang pang-mamaliit ang ipinaparamdam ngunit ang pagtrtrato sa kanila ng mali. Sila ay ginagawa rin lamang alipin sa bahay at hindi sila pinapayagan magtrabaho. Ipinapakita dito na sa unang panahon ay kailanman hindi magiging angat ang babae sa buhay.
Madami rin ang inabuso noong unang panahon. Madami din ang pinahirapan ng todo dahil sa kanilang sariling paniniwala. Madami ang nasasakal dahil sa kanilang mga asawa ngunit wala silang magagawa dahil sila ay babae. Ganunpaman ay mayroon na ring mga babae sa kasalukuyan ang nagiging angat na dahil sa natuto silang tumayo para sa kanilang sarili. Natuto sila na hindi maging mahina at maging matapang para sa kanilang mga sarili.
Ang taong 1971
Napagisipan ng mga estudyante na magkaroon ng pagpupulong na lumalaban sa gobyerno, kasama na dito si Juls at si Willy, ang matalik na kaibigan ni Juls. Ang sunod na pangyayari ay ang nasa loob sila ng silid kung saan mayroong babaeng nagkwkwento ng kanilang naranasan nung sila ay tutulong sa isang siyudad na balak i-demolish pero sa kasamaang palad ay dumating ang mga pulis at balak arestuhin ang kanilang lider. Lumaban ang grupo nila upang hindi maagaw ang kanilang lider ngunit hindi sila nagtagumpay at ang kanilang lider ay pinarusahan at kinawawa. Dumating na ang araw kung kalian isinagawa ang rally at nag protesta sila at nilabanan ang mga militar na nakabantay doon. Sabay-sabay nilang Inawit ang “Lupang Hinirang” ng sila ay magka-kapit bisig bilang isang simbolo ng pagkakaisa ng mga tao o mamamayan. Pagkatapos nilang umawit ay nagsimula na ang mga kaguluhan at hindi nila napigilan gumamit ng karahasan sa protesta.
Nang umuwi si Juls sa kanilang tahanan ay agad itong pinagsabihan at pinagalitan ni Julian sa kadahilanang maaaring silang mahuli at mapatay tulad ng ibang mga tao. Naikwento niya kay Juls ang isang student leader na nagngangalang Charlie Del Rosario na maske bangkay ay hindi pa nakikita. Habang pinapagsabihan si Juls, ang kapatid niyang si Isagani ay nasa telepono na masayang nakikipagusap sa kaniyang kasintahan habang hawak niya ang kaniyang maselan na bahagi sa katawan.
Maaari natin Ihalintulad ang mga kaganapan sa teoryang realismo sa kadahilanang ang mga kaganapan sa storya ay pwede natin maihabing sa kasalukuyang nangyayari. Isang halimbawa ay ang mga kabataang nag prprotesta para sa kanilang mga sariling paniniwala at nag prprotesta para sa ikauunlad ng kanilang bayan. Lumalaban sila sa gobyerno dahil mayroon silang sariling paniniwala na sa tingin nila ay tama.
Nagkaroon ng salo salo ang pamilya Bartolome kasama si Willy. Doon ay napatanong si Willy kung bakit mayroong freedom of expression sa tahanan ngunit sa eskuwela ay wala?. Napasagot naman si Julian sa mahinahong paraan na wala namang karahasan ang pakikipag-usap sa kanilang tahanan at lahat ng problema ay napa-pagusapan agad. Napabiro si Julian na kung makikita niya si Juls sa kilusan, ito ay papauwiin niya rin. Sinabi naman ni Juls na nais niya paring makibaka at sumama sa kilusan. Ang agad namang sumunod na pangyayari ay ang pag-utos ni Julian kay Amanda upang umakyat na sa kwarto ngunit hindi ito sinusunod ni Amanda. Sa kakapaulit ni Julian ay nagalit ito kay Amanda at nawalan na ng gana.
Mahahalintulad natin ito sa teoryang peminismo kung saan ang babae ay inaalila lamang ng kanilang mga asawa. Ang tingin sa kanila ay mababa lamang na kaya ganunpaman ay inuutusan utusan lamang sila dahil sa paningin ng iba ay isa lamang siyang asawa ng isang lalake.
Ang sunog na pangyayari ay kung saan nag-babasketball si Isagani kasama ang kaniyang Ama na si Julian at napakwento ito tungkol sa kaniyang binabalak na trabaho. Nagbabalak magtrabaho si Isagani bilang isang US navy pagkatapos niyang makaipon ng 18-units. Agad namang sumingit sa usapan si Juls at sinabing “Pambihira ka naman, US navy? Paaalila kalang sa mga kano”. Agad namang sumagot si Isagani ng “Anong magpapaalila?”. Si Julian naman ay sumingit upang pigilan ang away at sinabing bahala na si Isagani dahil desisyon niya naman iyon.
Nagkaroon naman ng isang dulaan na nagpapakita kung paano nakipag sundo si Marcos sa pangulo ng USA. At sa pangyayaring iyon ay nagkaugnayan ang dalawang pangulo at ay nangyayari ay biglang sinabi ni Willy na siya ay may balak na sumali sa isang Armadong Kilusan upang lumaban sa gobyerno. Nagtatapos ang dulaan ng ipinapako sa krus si Juan Dela Cruz.
Nang matapos ang usapan ni Willy at ni Juls. Ang susunod na pangyayari ay ang pagpapalipag ng saranggola ni Bingo. Nang ito ay bumaksak, napansin ni Amanda na ang saranggola ay gawa sa papeles na nanggaling sa kaniyang kapatid na si Juls. Pagkatapos naman itong mamalayan ni Amanda ay sinabi niya ito kay Julian at ito ay tinawanan lamang siya at sinabing kakausapin niya si Bingo dahil sa nangyari.
Nahanap ni Julian ang mga papeles sa aparador ni Juls sa kaniyang kwarto. Dahil doon ay napagusapan nila kung bakit nakipag-ugnayan ang pangulo ng pilipinas sa pangulo ng US. Sinabi naman ni Julian na ang mga tao sa gobyerno ay eksperto at alam nila ang ginagawa nila. Ngunit sa sagot ni Juls ay nagiba ang tingin ni Julian. “Kung ganon naman pala. Bakit naghihirap pa ang pilipinas? Bakit mas lalo tayong nababaon sa utang?” na sa ganoong paraan na kahit hindi pa siya nag aasawa ay mayroon ng utang ang kaniyang magiging anak.
Mahahalintulad natin itong mga pangyayaring ito sa Teoryang Realismo kung saan sila ay nagpapa-alipin sa ibang bansa upang kumite ng pera. Tayo rin naman ay nakikipag-ugnayan sa ibang bansa upang tayo ay hindi mahirapan. Ngunit sa ating pakikipag-ugnayan ay nakakalimutan nating nagkakaroon tayo ng utang sa ibang bansa. Ganunpaman ay mas lalo nating pinahihirapan ang magiging buhay ng mga anak na hindi pa nasisilang.
Ang taong 1972
Isang gabi ay gumagawa ng trabaho si Julian ng biglang sabihin ni Amanda na si Marcos ay nagpapasagawa ng Martial law. Nang malaman nila ito ay nagsunog sila ng mga papel na may kinalaman sa kilusan upang ma-protektahan si Julian. Agad rin namang umalis ang mga mamamayan upang umuwi sa kanilang mga probinsya. Ang pamilya Bartolome ay kumakain sa kanilang kaninan ng tinanong ni Amanda kung bakit hindi kumakain si Jason. Sinabi ni Jason na siya ay kinakabahan dahil sa martial law at tinanong kung baka pati pagkain ng taba ay masama na. Sinabi ni Julian na wala silang dapat katakutan dahil hindi naman magpapasagawa ng martial law kung hindi naman ito kinakailangan. Sinabi rin ni Julian na dapat ay matuwa tayo habang tayo ay bata pa dahil pag ating nalagpasan ang pagiging bata ay hindi na muli natin ito mahahawakan.
Pagkatapos naman ng kainan ay bumisita si Amanda sa anak niyang si Em na nakikita itong gumagawa ng sariling sulatin na tungkol sa pagiibigan. Siya naman ay sunod na pumunta sa kwarto ni Isagani upang makita lamang na nakikipagtalik ito sa kaniyang kasintahan. Dahil sa kanilang pag-aalala ay balak nila itong ihatid sa bahay ng babae na nagngangalang Evelyn. Ngunit sila ay pinara ng pulis at itinanong ang kanilang gustong gawin na iuwi ito sa bahay ni Evelyn. Nang sila ay makapunta dun ay bumungad ang nanay ni Evelyn na tanging iyak ng iyak dahil sa kaniyang pag-aalala at sa nalamang balita na nakipagtalik ang kaniyang anak. Itinanong naman ng Ama ni Evelyn si Isagani kung ito ba ay papakasalan niya o hindi.
Si Isagani ay pumayag at ito ay pinakasalan ni Evelyn. Ang sunod na eksena ay ang pag-aaway ni Evelyn at ni Isagani sa kwarto dahil si Evelyn ay buntis. Habang si Jason naman ay nag-mamakaawa sa kaniyang ina at gumagawa ng palusot dahil sa kaniyang “palakol” na grado sa eskwela. Si Amanda ay hindi maintindihan si Jason ngunit si Julian naman ay inintindi si Jason.
Maihahalintulad natin ito sa Teoryang Realismo sa kadahilanang pag tayo ay tumanda na ay di na tayo makakapag pahinga tulad ng dati noong tayo ay mga bata pa. Matututo na tayong mamulat sa realidad at matututo na tayong kumita ng pera. Magkakaroon rin tayo ng desisyon kung tayo ay gagawa naba ng pamilya at kung pananagutan ba natin sila.
Ng gabing iyon ay umuwi si Juls na hindi umiimik. Pinagsasabihan siya ni Amanda na huwag magpagabi sa daan dahil sa inaasahang curfew. Nang mamalayan ni Amanda na hindi umiimik si Juls ay Nakita niya itong umiiyak dahil sa balitang pinatay at pinahirapan daw si Willy ng mga pulis na humuli sa kaniya. Pinuntahan nila ang lamay ni Willy at dito nagkwkwento ang Ina ni Willy kung paano siya pinahirapan at pinatay ng mga pulis. Nang sila naman ay makauwi ay nagtatalo si Amanda at Juls dahil siya ay nag-iimpake para umalis at pumunta sa isang Exposure trip sa bicol na agad namang pinagbawalan ni Amanda. Sumagot ng pabalang si Juls kaya ito naman ay nasampal ni Amanda.
Ang naging sunod na eksena ay ang pagtakas ni Juls sa kanilang bahay. Matindi ang galit ni Julian sa pagtakas ni Juls sa bahay kaya ibinuhos niya ang galit niya ng pasigaw kay Em. Ang sabi ni Em kay Amanda ay hindi na ito kasalanan at ang sabi naman ni Amanda ay alam niya naman na hindi ito kasalanan ni Em. Hindi niya ito ipinag-alam kahit kanino sa kadahilanang baka siya ay hindi payagan kaya siya ay tumakas na lamang sa kanilang bahay.
Maaayon natin ito sa teoryang realismo kung saan ay may mga taong nag-rerebelde sa kanilang mga magulang dahil sa gusto nilang dumikit sa kanilang pinaniniwalaan na kung saan ay inuuna nila ang kanilang damdamin kaysa sa ibang mga tao na maaaring masaktan nila.
Ang taong 1973
Nanganak na ang asawa ni Isagani na si Evelyn at pinangalanan ang kanilang anak ng Annabelle. Nang sila ay umuwi ay sinabi ni Jason na mayroong sulat na ipinadala si Juls sa kanila pero hindi ito para sa kanilang ina na si Amanda. Nang marinig ni Amanda ang sulat na ipinadala ni Juls ay agad itong inimpake ang mga gamit ni Juls na sinasabi “Hindi ko naman daw siya anak ‘di ba”.
Dumating rin ang kinahihintay ni Isagani, Ang paglipad niya paputang US bilang isang navy. Nang sila ay nagpapa-alam ay biglang sinabi ni Evelyn na uuwi na sila sa kaniyang Ina. Nang sila ay makauwi ay nagiimpake si Evelyn at sila aynaguusap ang dalawang Ina, Si Evelyn at si Amanda. Nang tinutulungan ni Amanda si Evelyn magimpake ay napatanong siya kung pinagsisisihan ba ni Evelyn na ang asawa niya ay ang anak ni Amanda na si Isagani, na sa maagang panahon ay nabuntis na siya at mayroon na siyang asawa. Pero sa kahit ganong paraan ay kung may pagaaway man ay pwede namang pagusapan ng maayos upang hindi masira ang isang relasyon. Nasabi rin ni Amanda kay Evelyn ang mga katagang “Mahirap maging isang ina” at “Mahirap maging isang babae”. Pero ang sabi ni Evelyn ay may sari-sarili naman tayong mga diskarte kung paano tayo makaka-ahon sa pag-didiskriminate sa atin ng mga tao.
Ang teoryang maaari nating ihalintulad dito ay Peminismo dahil sa pangmamaliit sa kababaihan noong unang panahon na kung saan ay inaasahan lamang sila na taga pangalaga ng bata at walang ibang gagawin kundi mag-alaga lamang ng bata.
Sa susunod na araw ay nalaman ni Amanda na pupunta si Em sa isang Nuclear power plant upang magsulat ng panibagong panayam na galling sa mga tao. Nang malaman ito ni Julian ay dali dali itong pinuntahan si Em na balak pagsabihan pero kinabukasan ay makikitang pinayagan naman ito ni Julian at sinabing siya ay dapat magingat. Nakalipas ang mga araw at sila ay nag-sasalo salo sa isang maliit na bahay kubo sa may dagat nang biglang magtanong si Amanda kung paano pag gustong makipaghiwalay ng babae sa lalake. Noong una ay ang akala ni Jason ay si Amanda at Julian ay maghihiwalay na ngunit ang ibig sabihin pala ni Amanda ay si Isagani at Evelyn ay naghiwalay na.
Ang taong 1974
Nagising si Amanda sa tunog ng bato na tumatama sa kanilang bintana. Nang ito ay silipin ni Amanda at Julian, ay Nakita nila si Juls na may dalang sugatan na kaibigan mula sa Kilusan. Agad nila itong idinala sa loob ng bahay at balak ihabol sa hospital ang sugatan na lalake. Bigla itong pinigilan ni Juls at sinabing hindi sila pwede pumunta sa hospital dahil sila ay maaaring mahuli ng mga pulis kaya sila ay tumawag na lamang ng propesyonal na doktor upang tulungan at pagalingin ang sugat ng lalake na may tama ng bala.
Sa susunod na araw ay ikinuwento ni Juls ang kaniyang mga napagdaanan sa probinsya at kung ano ang nangyari noong sumali siya sa mga Armadong Kilusan. Ikinuwento niya ang isang matanda na itinago siya sa mga pulis na kahit siya ay pahirapan at patayin ay hindi parin ito nagsasalita. Noong lumalim na ang kwento ay napatahimik ang lahat at upang sila ay malibang, Inaya nalang ni Juls ng inuman ang kaniyang Ama na si Julian at ang bunsong kapatid na si Bingo.
Kinalaunan, nalaman ni Amanda na muling aalis na si Juls at siya ay uuwi na sa kaniyang probinsya upang makibaka ulit. Sinabihan siya ni Amanda na magingat at wag magpapahuli sa mga pulis. Humingi siya ng tawad sa kadahilanang hindi siya nakapag-paalam ng maayos dahil sa baka hindi nga siya payagan. Nasabi naman ni Amanda na sa gabi gabi ay hinihintay niya ang paguwi nito.
Dumating na ang kaarawan ni Bingo kung saan nakakita ng kaakit akit na babae si Jason at nais niya itong makausap. Nagkwentuhan naman ang magkukumpare ni Julian at bumisita rin si Evelyn upang tumulong sa pag hahanda. Nang matapos na ang kaarawan ni Bingo ay nagsi uwian ang lahat. Pagkatapos magligpit ay mapayapang nag-hihintay si Amanda na umuwi si Juls ngunit hindi ito dumating. Ngunit mayroong tumatawag sa kanilang telepono. Ito si Juls na nag-bilin kay Amanda na kitain siya sa isang Chinese resto.
Nang sila ay nagkita, pinagusapan nila habang mababa ang boses na kailangan magsunog ng mga papeles na delikado. Isa dito ang mga gawa ni Em at mga poster ni Em na may kinalaman sa kilusan. Isa pa dito ang mga papeles ni Juls na nakatago sa kaniyang aparador. Habang sila ay nagsusunog ay biglang may kumatok sa kanilang bahay ang “Kabataang barangay” kaya inutusan nila si bingo upang kumuha ng pera at iabot ito sa kanila na nagsasabing wala ang kaniyang mga magulang sa bahay.
Ang taong 1976
Nang sila ay nasa tahanan sa isang tahimik na gabi ay bigla silang nilusob ng Pulis na may warrant of arrest na huhulihin nila si Juls. Ang nagturo ng lugar kung saan nakatira si Juls ay ang kaibigan ni Juls na si Red, ang lalaking may tama ng bala sa binti at iniuwi ito sa kanila upang tulungan. Nang matapos I-check ng mga pulis ang bawat sulok ng kanilang tahanan at wala silang nakitang ebidensya ay umalis na ang mga ito. Nagpasalamat si Julian sa kaniyang mga anak at sa kaniyang asawa dahil hindi sila nagsalita ng mali sa mga pulis.
Ang sunod na eksena ay ang pagkukwentuhan ni Amanda at ni Emmanuel na kung saan ang “Golden trail” o ang hindi nakikitang sinulid na nakatali sa kanilang maliit na daliri. Ito ay ipinaliwanag ni Amanda na kahit anong mangyari sa kaniyang mga anak ay parang mararamdaman niya rin ito. Ngunit sa kaniyang mga pag aalala ay natuwa naman si Amanda dahil sa narinig niya sa mga pulis na ang anak niya ay isang “Political Officer” ang naramdaman noon ni Amanda ay ang labis na pagyayabang dahil sa nakamit ng anak niya. Naisip na ni Amanda na baka ang ginagawa ni Juls ay karapatdapat lang at hindi ito nakakasama sa mga tao.
Ang mga pangyayaring ito ay pwede nating ihalintulad sa teoryang eksistensyalismo na kung saan ay hindi tayo mapakali kung ang taong mahalaga satin ay nasa tamang kondisyon paba o siya ay nasa kapahamakan. Tayo ay napapaisip ng kung ano-ano dahil sa labis nating mahal ang taong iyon.
Kalagitnaan na ng gabi ng Umuwi si Jason at nahuli ito ng kapatid niyang si Emmanuel. Mayroong isang tawag sa kanilang telepono na masamang balita kaya nagbago ang timpla ng damdamin ni Emmanuel ng marinig ito. Nalaman nila na ang kanilang kapatid na si Juls ay nahuli na ng mga Pulis. Ang pamilya Bartolome ay pumunta sa kulungan upang makita na bugbog sarado si Juls ngunit siya ay nakakalakad pa. Ikinuwento ni Juls ng may tuwa sa kaniyang mga mata na siya ay hindi nagsalita sa mga pulis. Natutuwa siya dahil walang buhay ang napahamak dahil sa kaniya. Tinanong niya ang kaniyang Ama kung siya ba ay proud sa kaniya. Ang sabi naman ni Julian ay sobrang proud ito sa kaniya.
Nakilala na rin ni Amanda ang mag-ina ni Juls. Ang kaniyang asawa na si Mara at ang kaniyang anak. Nagbilin si Mara at nagbaka sakali na sa kanila muna si Juls dahil mainit din ang mata ng pulis kay Mara. Kalagitnaan ulit ng gabi ng umuwi si Jason at nahuli ito ng kaniyang Ina na si Amanda. Tinanong ito kung saan ito nang-galing ngunit sinabi ni Jason na nangangaroling lamang sila. Hindi nagpauto si Amanda at sinabing sasama si Jason sa presinto dahil doon gaganapin ang pasko. Sinabi ni Amanda na dapat siya ay sumama dahil minsan lamang ang pasko.
Pumunta sila sa presinto at sila ay nag-celebrate ng pasko. Napansin ni Juls na si Jason ay tingin ng tingin sa kaniyang orasan na tila bang may hinihintay o nagmamadali. Napansin ito ni Juls at Inaya niya ito mag yosi sa labas. Sinabi ni Juls na parang ang unfair dahil gusto niyang patigilin ang oras upang makasama ang kaniyang pamilya at si Jason naman ay parang hinahatak ang oras.
Nagkaroon ng isang organisasyon kung saan mayroong mga taong nagsusulat ng kanilang mga karanasan noong panahon ng martial law. Isa na dito ang kaibigan nila na nais magpadala ng sulat. Nang gabi na ay mayroong tumawag sa kanilang telepono na nagsasabing kinulong ang kanilang anak na si Jason dahil sa pagkakaroon ng ipinagbabawal na gamot o mas kilala sa tawag na “marijuana”. Buong gabi nila hinanap ang kanilang anak sa mga presinto pero hindi nila ito makita. Mayroong isang estasyon kung saan nakulong nila si Jason. Ngunit siya ay na release na daw. Si Emmanuel naman ay tumulong na hanapin si Jason at siya ay napunta sa isang morgue kung saan dinala ang mga katawan na nahanap sa isang basurahan na may puno ng saksak sa katawan. Umuwi si Emmanuel na may dalamhati dahil sa nalamang balita. Iniwasan niya ang kaniyang Ina at kinausap ang kanilang Ama na si Julian at ito ay nagwala sa kaniyang opisina.
Si Juls ay dumating sa pinagbuburulan ng kaniyang kapatid na mga kasamang escort. Nagkaroon sila ng onting oras upang magsama-sama ngunit hindi parin Nawala ang kalungkutan sa kanilang mga mukha dahil sa mga nangyayari.
Ang sunod na eksena ay ang paghihingi ng tawag ni Bingo sa kaniyang ina dahil hindi sinabi ni bingo ang balak ni Jason. Ibinilin ni Jason kay Bingo na sabihin sa kanilang Ina na may date siya sa araw ng pasko at gusto na sanang ipakilala ng kaniyang kasintahan na si Bernadette sa kaniyang mga magulang. Sinabi rin ni Bingo na andoon sa lamay si Bernadette at labis ang iyak. Niyakap ni Amanda si Bingo at sinasabing wala siyang kasalanan at mahal na mahal ito ng kaniyang kuya Jason.
Sa puntod ni Jason ay naguusap ang tatlong ina. Si Amanda, Evelyn, at Mara. Si Amanda ay naglalabas ng kaniyang galit at loob looban dahil sa balitang wala na talaga si Jason. Nagagalit siya sa kaniyang sarili dahil sa buong buhay niya ay naniniwala siya sa sinasabi sa kaniya ng mga tao dahil siya ay isang babae. Di matanggap ni Amanda ang pagkawala ng kaniyang anak at gusto niyang maghiganti ngunit wala naman siyang magawa.
Maaari natin ihambing ang kaganapang ito sa teorya ng peminismo kung saan ay minamaliit na naman ang mga kababaihan dahil ang tingin sa kanila ng mga tao ay mahihina lamang at wala silang silbi at sila ay alagad lamang ng mga lalake.
Nang naghahanda ng kakainin ni Juls sa kulungan si Amanda ay kinompronta ni Julian si Amanda na tila may galit kay amanda. Sinabi ni Julian na bakit parang si Juls lamang ang kaniyang inaalala at hindi ang ibang mga anak. Naisip ni Julian na baka ay walang pake itong si Amanda sa iba nilang anak ngunit sinagot siya ni Amanda na ang akala niya eh mas kailangan siya ng panganay niya dahil mas madami itong ginagawa kaysa sa iba. Sa pagod niya ay naisip ni Amanda na makipaghiwalay kay Julian dahil sa pagod niya dito. Kimompronta naman siya ni Julian na nagsasabi na wala ba siyang naibigay na makakapagpasaya kay Amanda. Ngunit nilabas muli ni Amanda ang kaniyang mga problema na naiwang blanko si Julian na para bang nahimasmasan sa mga salita ni Amanda.
Ng nagi-impake na si Amanda ay Umakyat mula sa hagdanan si Bingo at may magandang balita. Ipinapa postpone niya ang paghihiwalay nila ni Julian dahil ang kapatid niyang si kuya Juls ay makakalaya na sa kulungan. Nagpaalam na si Juls sa kaniyang mga kumpare sa kulungan at sila ay umuwi na upang mag celebrate ng pagkalaya ni Juls. Pagkatapos ng kanilang pagsasalo ay nakapagusap muli ang pamilya Bartolome sa kanilang magiging plano. Si Juls at Mara ay muling babalik sa kanilang kilusan dahil doon daw sila nababagay. Si Isagani at Evelyn naman ay mananatiling magkaibigan at si Bingo naman ay mayroong Gawain na may kinalaman sa litrato.
Nang Umalis ang lahat, naiwan si Julian at si Amanda. Doon sa parteng iyon ay nagpasalamat si Julian sa mga ginawa ni Amanda para sa kaniya. Hindi napigilang umiyak ni Julian habang sinasabi na ang mga lalake ay may damdamin din. Tinatago lamang nila ito dahil hindi daw ito kaaya ayang tignan na umiiyak ang isang lalake kaya siya ay nagpapakatatag para sa kaniyang pamilya. Umiiyak siya at sinasabing kahit siya ay gustong maghiganti para kay Jason pero hindi niya ito magawa dahil wala naman silang pangalan sa gobyerno. Niyakap siya ni Amanda habang sinasabi na lahat ng iyon ay ayos lamang at walang masama sa pag-iyak dahil ito ay damdamin lang rin ng tao.
Maihahalintulad natin ang mga kaganapang mga ito sa teoryang eksistensyalismo kung saan ang mga tao ay nagpapakita ng damdamin. Ipinapakita rin dito ang teoryang realismo kung saan pinaniniwalaan na ang lalake ay hindi umiiyak at ito ay matatag dahil sila ay mga lalaki.
Ang mga tao ay pumunta sa isang dulaan na ginawa naman ni Emmanuel upang maipakita kung ano ang mga kaganapan noong Martial law. Bago magsimula ang Dulaan ay umawit sila sa ng Lupang hinirang habang nakataas ang kanilang kanang kamao na nagsasagisag ng pagsasama-sama ng mga tao sa isang bayan.
Ang taong 1983
Sa loob ng simbahan ng Santo Domingo Church makikita ang maraming tao na naka palinya at naglalakad sa gilid ng kabaong ni Senador Benigno Aquino Sr. Siya ang nabaril sa NAIA. Nagtatapos ang kuwento na makikita natin si Amanda na nakiki protesta na at may iniwan na katagang nagsasabi na “Ang mga mamamayang Pilipino ay mga bilanggo parin sa loob at labas ng mga rehas na bakal. Ngunit araw araw ay isinisilang ang mga anak at mga magulang na nagtatawid ng bangka sa pagbabago. Sapagkat ang payapang pang-pang ay para lang sa mangangahas sumagupa sa alon sa panahon ng unos.” At doon ay nagtatapos ang kwento ng Dekada ’70 ni Lualhati Bautista.
Ang storya ng Dekada ’70 ay tungkol sa pamilyang Bartolome na nakaranas ng paghihirap, kalungkutan, kasiyahan sa loob ng kanilang tahanan noong panahon ng Martial law. Ang paborito kong karakter ay si Julian Bartolome dahil sa pagiging isang matatag na Ama para sa kaniyang pamilya. Sa hirap ng pagiging lalaki at sa araw araw na pagpigil ng emosyon ay napili niya paring maging matatag. Madami ang aral na mapupulot sa nobelang ito at madami ding isyung panlipunan ang iyong maiintindihan dito. Makatutulong siya sa pagmulat ng mga tao sa reyalidad kung saan ang mga taong mahihirap ay hindi nakakakuha ng hustisya at ang mga mayayaman lamang ang napapansin.
Ang tanging rekomendasyon ko sa pagnood nito ay matuto tayong alamin ang totoo bago tayo maniwala. Huwag din tayo padalos dalos ng galaw dahil sa kahit anong oras ay maaari tayong magkamali at hindi na natin ito pwedeng maibalik sa dati. Maiirekomenda ko itong nobelang ito dahil madami tayong matututunan sa kasalukuyan.